Mag-trade ng Forex, Precious Metals, Energies at Equity Indices mula sa 1 Account.
Agad na ma-access ang markets sa buong mundo gamit ang XM MT4 o MT5 trading platforms.

Thematic Indices – Mga Spreads at Kundisyon

ORAS NG PAG-TRADE NG THEMATIC INDICES
(GMT+2 time zone, maaaring naaangkop DST)

Karaniwang Araw 16:40-22:50


*Ang swap rates ay kinakalkula batay sa kaugnay na interbank rate ng index currency. Ang mga long position ay sinisingil ng kaugnay na interbank rate na dinagdagan ng markup, habang ang mga short position naman ay makakatanggap ng rate na binawasan ng markup. Ginagawa ang operasyon tuwing 00:00 (GMT+2 time zone, pakitandaan na maaaring may DST), pwedeng magtagal ng ilang minuto, at ipinapataw araw-araw.

**Pinakamababang lebel ng mga pending na order sa kasalukuyang presyo sa market.

Kailangang Margin para sa mga Thematic Indices CFD Symbols = [Lots * Laki ng Contract * Presyo sa Pag-open] / [Mas Mababa (Leverage sa Account, Leverage ng Symbol)]

Ang margin ay palaging 50% kapag naghi-hedge ng mga position sa CFDs at kung ang lebel ng iyong margin ay mahigit sa 100%.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa porsyento ng margin para sa Thematic Index CFDs, mag-click dito.

Thematic Indices – Ano-ano ito?

AI Index: Ang AI Index ay nagbibigay ng exposure sa sektor ng Artificial Intelligence (AI) sa pamamagitan ng ilang piling kumpanya na pampublikong nakalista sa US at kumikita mula sa AI ecosystem. Kabilang dito ang mga microprocessor, data center platform, machine learning, pagbuo ng autonomous artificial intelligence, at iba pa. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

China Internet: Kinukuha ng China Internet ang performance ng gross na kabuuang kita ng 30 pinakamalalaking pampublikong kumpanya sa China na nakakakuha ng mahigit sa 50% ng kanilang kita mula sa internet market sa China. Ang mga kumpanyang ito ay makikita rin sa mga pinakamalalaking exchange sa US. Kabilang dito ang Trip.com Group (TCOM), NetEase (NTES), Baidu (BIDU), at Alibaba (BABA). Weighted ang mga ito batay sa market cap, kung saan nililimitahan sa 15% ang pinakamalalaking position para mabawasan ang konsentrasyon. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

Electric Vehicles: Sinusubaybayan ng Electric Vehicles index ang performance ng securities na itini-trade sa US, na in-isyu ng mga kumpanya na nakakakuha ng hindi bababa sa 50% ng kanilang kita mula sa produksyon ng mga electric na sasakyan o paggawa ng mga parte at supply ng mga electric na sasakyan. Kabilang dito ang Li Auto, Tesla, Nio, at Aptiv. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

FAANG 10: Sinusukat ng FAANG 10 ang performance sa market ng nangungunang 10 pampublikong kumpanya na nakalista sa Nasdaq Stock Exchange at iniraranggo ayon sa average na halaga ng trade kada araw. Kabilang dito ang Meta Platforms, Microsoft, Apple, Tesla, at iba pa. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

Blockchain & NFT: Ang Blockchain & NFT index ay nagbibigay ng sistematikong exposure sa NFTs (Non-Fungible Tokens) at mga sektor sa blockchain sa pamamagitan ng ilang piling kumpanya na pampublikong nakalista sa US at Canada, na kumikita mula sa NFT, blockchain, at/o crypto ecosystem. Kabilang dito ang Riot Platforms, Marathon Digital Holdings, at MicroStrategy. Nakuha ang impormasyong ito mula sa BITA.

Ipakita lahat|Itago lahat

Tungkol saan ang thematic indices?

Sinusubaybayan at sinusukat ng thematic indices ang performance ng isang partikular na tema, sektor, o industriya sa financial market. Binuo ang mga index na ito para bigyan ng ideya ang mga trader at investor sa mga asset, kumpanya, o investment na may kinalaman sa isang tiyak na tema o trend, at upang masukat nila ang tagumpay at paglago ng naturang tema sa loob ng market.

Malawak ang saklaw na tema ng thematic indices, tulad ng teknolohiya, kalusugan, malinis na enerhiya, e-commerce, ESG principles, cybersecurity, blockchain, pang-diskresyon ng konsumer, at marami pang iba. Sa pangkalahatan, nagbibigay ang thematic indices ng nakabalangkas at nasusukat na paraan para subaybayan at makapag-invest sa mga tiyak na tema o sektor sa market, at upang makapagdesisyon ang mga trader at investor batay sa kanilang layunin at pananaw sa pag-i-invest.

Ano-ano ang mga sinisingil sa thematic indices?

Ang tanging singil sa produktong ito ay ang spread at swap na ipapataw kung sakaling nag-iwan ka ng naka-open na trade kinabukasan. Wala nang iba pang komisyon o singil maliban dito.

Pwede bang makakuha ng dividends ang mga position na in-open sa thematic indices?

Ang lahat ng thematic indices ay mga total return index, na nangangahulugang sinusukat nito ang performance ng isang grupo nang ipinapagpalagay na ini-invest pabalik ang lahat ng cash na ipinamigay, bukod pa sa pagsubaybay sa paggalaw ng presyo ng stocks na kabilang dito. Ang mga total return index ay may bersyon din bilang gross return, kung saan kinakalkula ito nang ipinapagpalagay na ini-invest pabalik ang kabuuang dividends.

Kaya naman, dahil ini-invest pabalik ang dividends ng thematic indices, walang pababang adjustment na mangyayari dahil sa pagbabayad ng dividends ng isang stock na kabilang dito, at hindi napapasailalim sa dividend adjustment ang thematic indices.

Sa aling platform ako pwedeng mag-trade ng thematic indices?

Pwedeng mag-trade ng thematic indices sa MT5 platform.

Sa ano-anong klase ng account pwedeng mag-trade ng thematic indices?

Pwedeng mag-trade ng thematic indices sa mga Standard account at XM Ultra Low Standard account.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.